Thursday

World War 3 na naman sa bahay

Ako'y maglalabas lamang ng sama ng loob..

Bigla kaming nagising sa hagulgol na iyak ng kapatid kong babae na natutulog sa ibaba. Kami'y nagtataka kasi d namin maintindihan kung ano pinagsasabi ng kapatid ko. Ayun pala ay may pangyayaring hindi kanais-nais "kuno".

Nagsumbong agad ang asawa ng kuya ko sa papa namin tungkol sa nangyari. So, ang ginawa ko ay binuksan ko ang FB ni papa para malaman ko kung ano ang nangyari.

At ito ang kwento niya kay papa...


Ang galing, d ba? Nagsumbong talaga.. Hindi ba niya inisip muna na nagtatrabaho yung tao sa ibang bansa tapos bibigyan niya ng problema? Tsss Inaamin namin na hindi namin siya ganun katanggap maging parte ng pamilya pero wala na kaming magagawa..

So, chinat naman ni papa yung pinsan namin para ma-confirm nga naman niya kung ano talaga ang nangyari..

Ok lang. Yun naman ang nakita niya eh. Sila sila lang naman (kapatid ko, bf niya, asawa ng kuya ko, anak nila at siya) natutulog sa baba eh.. pero syempre after na yan ng alleged pangmamanyak sa asawa ng kuya ko.. wala naman nakakita talaga sa buong pangyayari eh.

At oo nga naman.. may kanya kanya silang higaan. Syempre cellphone mo, itatabi mo sa higaan mo. Eh paano nga ba napunta kasi yung bf ng kapatid ko dun sa higaan nila ng asawa ng kuya ko? Ang layo naman ng nilakbay ng phone mo kuya! Ayan tuloy ang napala mo .. pero sana lang talaga hindi na umabot kay papa. Ang problema dito, dito lang. Kung wala siya, wala siya. Wag na idamay pa. Ano gusto mong patunayan?

Ito naman kapatid ko chinat pa si papa. Ok naman sana kung maayos yung pagpapaliwanag at pangangatwiran niya kaso parang naging walang galang na..


Eh d lalo ngang magagalit yun!


Heto pa nga pala dugtong ng usapan nila papa at ng asawa ng kuya ko ..


Grabe d ba? Ganito kami minsan? Hehe (Screenshot agad para malaman nila mama na na ganito ang naging usapan nila, hirap magkwento eh d ko ma-memorize, ang dami).. hehe

Naisip ko lang naman kasi.. oo, hindi namin ganun kagusto ung asawa ni kuya, pero ok naman naging samahan namin kahit papaano. Mabait kami sa mabait. Naging ganito lang dahil sa mga sumbungan na nagaganap.

Ang hirap lalo na kapag damay ang bata.. NUMBER ONE problema yan nung asawa na yan eh, naging defense mechanism na niya yang paglalayas kasama ang bata. Syempre ang lolo hindi papayag. Hmp! Alam niya kasi na sa kanya kakampi o maniniwala si papa (mahirap na pag pinagdamot na naman ang bata)..

Pero d ba dapat alamin na muna kung ano talaga ang nangyari both sides? Kasi isang sabi lang nung asawa naniniwala na agad si papa, kami ang napapagalitan. Pero alam niya ba ang buong pangyayari? Hindi. Unfair d ba? Sariling anak (kahit d kami ganun kabait), d pa nagpapaliwanag galit na siya agad. May alas naman kasi... yung bata. Eh paano naman kung may bagong apo na siya sa iba niyang anak, ganun pa rin ba siya sa unang apo niya? Hindi naman sa pinagseselosan o kinaiinggitan namin yung bata.. bata yun eh, makikipag-agawan pa ba kami ng atensiyon? Syempre naman sana pagbigyan din kami. Alamin niya rin kung ano alam namin. Palibhasa naman kasi wala siyang alam tungkol sa babaeng yun. Yung babaeng yun naman ang bait kapag andito si papa kaya yun ang nakikita at kami ang napapasama. Alam kong alam mo eh.. Wag ka sana magbulag-bulagan. Mag-pamilya tayo o, pero nasisira dahil iisa lang pinaniniwalaan niyo. Mahal namin kayo Pa kahit d namin naipapakita at nasasabi ng madalas, pero mahal namin kayo. Sana maging unfair kayo sa actions niyo. Anak niyo rin kami. Hindi lang sa apo niyo umiikot ang mundo niyo. Kahit sabihin natin na wag idamay ang bata, eh sa simula't sapul tungkol naman talaga ito sa kanya eh .. d ba?

Balik tayo sa alleged pangmamanyak sa kanya.. para ka ring si Deniece Cornejo eh, walang kabahid bahid ng trauma. Ikaw ba'y pag namanyak, bubuka-bukaka ka pa? Aba'y hindi na. Magtatalukbong ako ng kumot noh. Pero hindi yun ang nakita ko eh. Namanyak na nga, todo pa kung makadantay sa unan, ang taas.. yung tipong nakikita na yung kuyukot niya? Ganyan siya. Sabihin na natin na wag hayaan na maging losyang pag nanay ka na.. pero alam mo kasing karamihan ng kasama mo sa bahay ay lalaki tapos naka-short shorts ka pa tapos kung makabukaka, wagas! Eh sexy daw siya eh. Pagbigyan..

Hay! Ang hirap nang kayo kayo na nga lang magkakasama sa bahay, nag-aaway pa!

Maging maayos sana 'to.









No comments:

Post a Comment