Thursday

Kapag ako nagkaroon ng anak...

Kapag ako nagkaroon na ng anak.. gusto ko malayo sa pamilya ko at malayo sa pamilya niya. Nakita ko na kasi kung anong mangyayari kapag andito sa bahay ang anak ko, magiging spoiled. Mapapabayaan. I mean, alam kong alagang alaga siya dito pero mapapabayaan ang health at ang studies niya. Alam niyo kung bakit? Nakita ko na eh. Magiging BILMOKO (Bili Mo Ko) yan. Yung tipong kapag d masunod ang gusto, konting iyak lang ibibigay na agad ng lolo ang gusto kahit junkfoods pa yan o ano kahit d pa kumakain ng meal. Yung sama kahit san magpunta hanggang sa mapagod na, no time for studies na. At ayokong makita niya na ganito kagulo ang pamilya namin, ang bahay namin. Ayokong mamana niya ugali namin sa bahay na 'to..

Malayo sa pamilya niya para hindi niya rin makita ang pagbubunganga ng magiging lola niya. Araw araw pa naman yun, walang patawad. Yung tipong hindi nabubuo araw niya kapag wala siyang nabubungangaan. At maingay dun, kasing-ingay siguro dito kahit mag-isa lang siya dun. Aba naman kahit manood ng TV kung maka-react d ba akala mo andun siya sa pangyayari. Wagas!

Imperfect ang pamilya namin dalawa. Pero gagawin namin ang lahat ng makakaya namin na kahit papaano maging mas ok siya kumpara sa pamilya namin.

No comments:

Post a Comment

  • Philippine Senator Says His Own Research on Medical Marijuana Better than U.S. Universities
    27.02.2014 - 0 Comments
    Senator Vicente "Tito" Sotto III is an actor, singer, tv host, journalist, and politician in the Philippines.…
  • Samsung note 8 is now in the Philippines
    24.08.2017 - 0 Comments
    Screen 6.3 Inches QHD+ ( 1440 x 2960 pixels ) 522 PPI, Super AMOLED with Dual Curved Edge, Corning…
  • Magic In Enchanted River
    18.01.2014 - 0 Comments
    The Enchanted River in Hinatuan, Philippines, is one of the most desired tourist destinations in the area.…
  • Benefits Of Eating Fish
    16.02.2014 - 0 Comments
    Fish are packed with vitamins, So I've been research and compile the benefits of it. 1. Heart decease -…